Aktress Jennylyn Mercado naglabas ng kanyang reaskyon sa Pagbasura ng ABS CBN Franchise 'Panahon ng walang hustisya!'
Ilan sa mga artista na nagsalita matapos hindi bigyan ng kongreso ang ABS-CBN ng prangkisa ay si Kapuso Actress Jennylyn Mercado.
Binanatan ni Mercado ang mga kababayan natin na natutuwa sa sinapit ng Kapamilya network.
"Sa mga taong tuwang tuwa sa mga pangyayari, huwag niyo sana danasin ang lumuha din at mawalan… Hindi ba tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa? Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane 'You are crue', " boladas ni Mercado.
May mga kababayan tayo na rumesbak sa mga patutsada ng aktres. Buwelta naman ni Mercado, handa daw siyang mabatikos para sa kanyang freedom of speech.
"To be netural or silent in times of injustice is injustice. If being 'bashed' is a small price to pay for practicing my right to freedom of speech, then I am fine with it," kuda pa ni Mercado.
Noong nakaraang linggo ay hindi pinayagan ng mga mamababatas na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN dahil sa mga isyung bumabalot sa media giant. Mula sa labor practices, tax avoidance scheme hanggang sa dual citizenship ng chairman emeritus nito na si Gabby Lopez III.
Walang hustisya? Bali wala pala ang desisyon ng mga Kongresista na binuto natin? Sinong mag desisyon? Mga artista? Mga tao by "peoples' initiative"? Ako na lang kaya mag desisyon? And the decision is..... ibalik ang inutang sa DBP, iabalik ang tax sa BIR, ano pa? Walang hustisya talaga kung hindi ibabalik ang mga ito sa kaban ng bayan. Ano pa?
ReplyDelete