Angel niresbakan ang GMA 7 writer na kaalitan "For you to discredit me while I’m fighting for the people, shame on you! "



Kamakailan ay nagpalitan ng mga salita sa social media ang Kapamilya actress Angel Locsin at Kapuso creative writer na si Suzette Doctolero patngkol sa nabigong franchise renewal ng ABS-CBN.

Hindi tuloy maiwasan na madamay ang ibang mga pangalan maging ang GMA network mismo ay nabanggit pa sa sagutan ng dalawang panig. 

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Suzette na hinahangaan nya ang tapang ng dating Darna star pero sana naman ay huwag itong maging exaggerated.  

"A e I admire your courage po pero huwag exag. Kumita ka ng sobrang laki sa GMA. Malaki ang net worth mo nung lumipat ka sa kabila. Sa totoo lang tayo ha. Kaloka."

" Though baka naman din kasi sa sobrang silakbo lang ng damdamin mo kaya mo siguro nasabi ang tila yata kasinungalingan na padrama mo na ito, right?"

"...pero, gurl, we know at ng BIR na di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh. But go, tuloy ang laban, gurl. "

"Wag lang oa sa mga statement. Sa truth lang tayo, yes! Btw, ginawa ka naming Darna. Im glad na until now ay nakakabit sa iyo ang pagiging superhero.."

"kaya sana konting lingon naman ng konti sa pinanggalingan at huwag magsisinungaling ha? Ang totoong hero ay may integredad at di liar, di ba?" ito ang banat ni Suzette kay angel nitong Sabado.

Kaya naman, hindi na napigilan ni Angel na hindi patulan ang mga akusasyon sa kanya ni Doctolero, at ipagtanggol na nya ang sarili.

Maging ang kanyang fiancé na si Neil Arce ay pinagsabihan na din ng Kapamilya TV host-actressa na huwag nang patulan si Suzette sa mga patutsada nito sa kanya.

Ang kanyang fiancé kasi ang unang nakipagsagutan sa GMA 7 entertainment writer bilang pagtatanggol sa kanyang soon to be bride. 

Mahaba ang naging sagutan ni Neil at ni Suzette sa Twitter at walang gustong magpatalo sa dalawa.

Subalit muling nagkainitan ang dalawa nang mag-reply uli si Arce sa isang tweet ni Suzette patungkol sa patutsada ni Angel sa mga kapwa Kapamilya stars na naging tahimik at ayaw  ipagtanggol at ipaglaban ang ABS-CBN.

“Saka Neil naman, di lang ako nagreact sa false statement di ba? Ultimo mga artista sa istasyon nyo tinira. Wrong move. Do not antagonize these people. Kunin sila sa side ng cause, wag iritahin,” ani Doctolero.

Sagot naman ng movie producer kay Suzette, “That is what we believe in po. It is our right. My problem is you saying it’s against GMA when she respects GMA. Gumagawa ka ng away habang nandito kami pinaglalaban ang industriya. That is my problem.”

Dito na sumabat at pinagsabihan ni Angel si Neil na dedmahin na lang si ang entertainment writer, “‘Wag mo nang patulan. People might think na this is just a battle between networks & not the whole film & TV industry."

“That’s just one sad opinion of an artist na walang pakielam sa kapwa kasi comfortable sya sa ngayon. I love GMA [people]. 1 tao lang naman ang bad sakin dun pero wala na now.” ani angel.

Ngunit di pa rin natitinag si Suzette, at muling muli nyang sinagot si Angel, “Kina call out ko ang statement mo, you think you’ll win a war sa mga patutsada mo? Sa kapwa mo artista? Sa gma? At now sa akin?”

Muling rumesbak ang aktres sa kanya, “Kayo lang po ito. Hindi po ang GMA kaya wag nyo pong idamay. Wala po akong sasabihing hindi maganda sa GMA at malaki ang utang na loob ko sa network. Kayo lang po ang kausap ko. And please use your voice para makatulong sa kapwa mo sa industriya. Kelangan ka namin.”

“Whoa gurl! @143redangel Porke I called out your tila false statement ay wala na ako pake sa industry? Again thats a false statement. May brain ka. Use it,” muling sagot ni Suzette.

Dagdag pa ng writer/columnist, “I am for the franchise renewal. Sinabi ko na yan paulit ulit. As I’ve said, wala ako beef sayo. Nagreact lang sa what you deemed ay unfair na statement. Isa lang industry natin. Terrible times my dear. As I’ve said you’re a courageous woman. And I mean it.”

Sinagot naman ito ni Angel, “Sa gitna ng dalamhati ng mga kasamahan mo sa industriya, naisip mong idiscredit ang lumalaban para sa kanila? May heart po kayo. Use it. Baka masama lang po ang araw nyo ngayon. Naiintindihan ko po. Sana bukas okay na po kayo.”

Sa huli,  nag-post na si Suzette ng maikling video clip na kuha sa ABS-CBN rally kung saan ay nagsasalita sa gitna si Angel.

Ang nasabing video clip ay may caption na, “Hmm… whats ur point again @neil_arce? And @143redangel? Deny pa e yan ang video. Ok let’s stop this na. Basta ingat na lang sa statement ha? Kasi people will react.’ Simple ng point ko, pinakumplikado nyo.”

Ngunit muling humirit si Angel sa kaalitang writer, “Totoo po na ang buong entertainment industry ang tumulong sa akin nung walang wala pa kami. Kaya lumalaban ako para sa lahat—Kasama po kayo dun. Malaki ba ang utang na loob ko sa GMA? YES, malaki po. But for you to discredit me while I’m fighting for the people, shame on you.”


No comments:

Powered by Blogger.