Enchong Dee sobrang galit, Pinatamaan ng matindi si Spox Roque "You disgust me...sayang ka!"



“You disgust me.”

Ito ang mensahe ng aktor na si Enchong Dee para kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Sinabi ito ni Dee matapos maglabas ng pahayag ni Roque tungkol sa hindi pagbibigay ng prankisa ng Kongreso sa ABS CBN.

Ayon kay Roque, respetuhin nalang sana ang naging desisyon na resulta ng botohan ng mga mambabatas hingil sa usaping prangkisa para sa higanteng media network.

“Mayroon po bang malaking kawalan dahil hindi nabigyan ng franchise ang ABS-CBN? Aaminin ko po, meron po,” ayon sa pahayag ni Roque

“Nu’ng ako po’y naging tagapagsalita, malaki rin po naging utang na loob ko dahil number 1 naman po talaga sa reach ang ABS-CBN. Nalulungkot po ako na dumating sa punto na hindi po na-renew ang prangkisa,” aniya pa

“Maski po tayong manghinayang, eh tapos na po ang boksing. At dumaan na po sa proseso, sang-ayon sa Saligang Batas. Wala na po tayong magagawa. Let’s move on,” dagdag pa ng spokesman

Dahil dito, hindi napigilan ni Dee ang magbigay din ng kanyang saloobin.

“You disgust me.

“Alam ko makikita mo ‘tong tweet na to because you follow me. Sayang ka,” ayon sa caption ng aktor nang kanyang i-repost ang naging pahayag ni Roque

Pinagtanggol din ni Dee ang Kapamilya network sa kanyang Instagram post.

“I’ve been fighting for my country since I was 13. Hindi madali at walang kasiguraduhan pero masarap sa puso.

“I will do the same for the company which I called home for 15 years. Hindi ako titigil sa pananalita laban sa kasamaan na pumapaligid satin. Being bashed is a small price to pay to be in the right side of history.

“Sa mga kasamahan ko sa ABSCBN, kasama nyo ko hanggang muling magbukas ang tahanan natin. At sa mga kapwa ko artista, hindi ito ang oras para manahimik, maging totoo tayo sa salitang #kapamilya,” ayon pa sa aktor


No comments:

Powered by Blogger.