Kiko Pangilinan umaasang ipapatigil ng korte ang 'kahibangan' na pagshut down ng digital channels ng ABS CBN "Kabaliwan Lang!"



Umaasa si senador Francis Pangilinan na ititigil ng Korte Suprema ang ayon sa kanya’y “kabaliwan” na nakaka apekto sa ABS CBN matapos na mag labas ng utos ang National Telecommunications Commission (NTC) na ipasara din ang dalawa pang broadcast platform ng nasabing istasyon.

Sa isang pahayag Miyerkules (Hulyo 1), binatikos muli ni Pangilinan ang gobyerno dahil sa pag atake umano nito sa ABS CBN sa kabila nang may pandemya sa bansa na mas dapat unahin.

“We hope the Supreme Court puts on the brakes on this madness. Libu-libong mga empleyado ng stasyon ang mawawalan ng trabaho at milyon-milyon naman na manunuod ang mawawalan ng access sa impormasyon sa kahibangan na ito,” ayon pa sa senador

Ayon sa kanya, patuloy lang umano ang pang aabuso ng administrasyon kung hindi makiki alam ang korte at publiko.

Kamakailan lang ay inihayag ng ABS CBN na naglabas ang NTC ng dalawang cease and desist orders laban sa TV Plus at Sky Direct.

Inatasan ang ABS-CBN na ihinto ang operasyon ng digital TV transmission nito sa Metro Manila gamit ang Channel 43, na makakaapekto sa mga show sa TV Plus na CineMo, Yey, TeleRadyo, at pay-per-view na KBO.

Kabilang umao ito sa listahan ng mga radio at TV station na pinatitigil ng NTC ang operasyon sa inilabas na cease and desist order noong Mayo 5 laban sa Kapamilya network.

Matatandaang nag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN noong Mayo 4 kaya tigil-operasyon ang free TV at radio operation nito.

Inutusan din ang cable company na Sky Cable Corporation na agad itigil ang operasyon ng Sky direct-to-home satellite transmission nito, na makakaapekto naman sa mga Sky Direct satellite dish nito.

Ayon sa NTC, “Sky Cable should immediately cease and desist operating its Direct Broadcast Satellite Service”.


No comments:

Powered by Blogger.