Korina Sanchez binanatan ang mga Trolls umano ng Duterte Admin "Ang kalahati ng katawan nila ay nakasanla na kay Satanas!"



"Ang kalahati ng katawan nila ay nakasanla na kay Satanas."

Ganito ang pagkakakilala ng Kapamilya broadcaster na si Korina Sanchez sa mga online trolls.

Inihayag ito ng 55-year-old veteran journalist matapos niyang diretsahang sabihing "bayad" ang mga trolls para "magpaka-nega."

Nauwi sa pagsesermon sa trolls ang interview ni Korina sa Kapamilya actress na si Kim Chiu nitong Linggo, May 31.

Si Kim ang guest ni Korina sa Sunday program niyang Rated K.

Kinumusta ni Korina si Kim matapos na ilang araw na kuyugin ng trolls ang 30-year-old actress dahil sa pagtatanggol sa ABS-CBN, sa kainitan ng shutdown issue ng network.

Ginawang katatawanan at nag-viral ang pagkukumpara ni Kim sa ABS-CBN closure sa tinawag niyang "law of classroom."

Sa kabila ng pagso-sorry ni Kim, lalong nawili sa panlalait ang mga trolls.

Kasabay ng pagsusulputan ng memes laban kay Kim, pinaulanan ng masasakit na salita at pang-iinsulto ang aktres.

Ipinagtanggol naman si Kim ng mga kaibigan at kapwa niya Kapamilya artists.

Kabilang si Korina sa mga dumepensa para sa aktres.

At nitong Linggo, personal na pinasalamatan ni Kim si Korina sa pagtatanggol sa kanya laban sa mga bashers at trolls.

"Definitely," sagot ni Korina.

"Alam mo kung bakit?"

Saglit na tumigil si Korina.

Nang nagpatuloy, halatang triggered na ang broadcaster.

"Aminin na natin na lahat ng mga nega na 'yan… titingnan mo yung profile, ang followers wala pang limampung tao.

"Obvious ba, na bayad ang mga lintik na 'yan!"

Nabigla at natawa si Kim sa tinuran ni Korina, bagamat kitang sumasang-ayon siya sa Rated K host.

"Ang tingin ko sa mga troll," patuloy ni Korina, "ang kalahati ng katawan nila ay nakasanla na kay Satanas."

Sarkastikong dagdag niya, "Isipin mo, pinalaki sila ng mga nanay at tatay nila para mag-nega.

"Talaga? 'Yan ba ang ambisyon ng mga magulang para sa mga anak nila?"

Batay sa sinasabi ni Korina, mahihinuhang kabataan ang binabanggit niyang online trolls.

View this post on Instagram
A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on May 5, 2020 at 2:57am PDT

No comments:

Powered by Blogger.