LOOK: Isabel Rivas, tinawag na "walang kuwenta" si Vivian Velez dahil sa pagbubunyi nito sa pagbasura ng ABS-CBN franchise!



Galit na galit ang aktres na si Isabel Rivas sa kapwa artista na si Vivian Velez dahil sa pagbubunyi umano nito matapos hindi mabigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso ang ABS CBN.

Tinawag ni Rivas na  "walang kuwenta" at "ingrata" si Velez.

Matapos ang botohan ng mga mambabatas sa Kongreso ukol sa prangkisa ng higanteng network ay sunod sunod ang naging post ni Velez ng pasasalamat sa bumoto ng laban sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS CBN.

Tinawag niyang magnificent 70 ang mga bumoto na hindi bigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Bukod dito, pinuri rin ni Velez si Sagip Party-List at Deputy Speaker Rodante Marcoleta bilang isa sa nanguna sa paggisa sa ABS CBN executives habang dinidinig ang application nito.

Ayon kay Velez, si Marcoleta na ang "bagong crush ng bayan".

Si Vivian, na kasalukuyang director general ng Film Academy of the Philippines (FAP), ay isang masugid na tagasuporta at tagapagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon naman kay Rivas, walang kwentang tao si Velez dahil nagsasaya pa ito sa nangyari sa ABS CBN, lalo pa at pareho ang industriyang kanilang ginagalawan.

“Walang kwentang tao talaga ito, sexy ka lang nung araw pero no brains ka talaga...

"nanaba na lang sana utak mo ng may natira ka pang industria na rerespeto sa'yo...

"Adding insult to injury ka pa dyan sa mga umiiyak na nakatrabaho mo, wala ka talagang kahihiyan...ingr*ta!!!" ayon sa galit na galit na si Rivas.

Sa kanyang sumunod na post ay pinahiwatig ni Rivas na tila mayroon silang matagal nang alitan ni Velez.

"45- years kitang kilala, akala ko ako lang aapihin mo, hindi mo pala alam talaga salitang kaibigan noh!!!" aniya

"True character on display here Vivian Velez...empathy man lang sana natutunan mo!!" dagdag pa nito


No comments:

Powered by Blogger.