NANAWAGAN | Bishop Pabillo nakiusap sa mga Kongresista na ibalik ang ABS-CBN "Kailangan na po ng mga tao ang Balita



Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo Hiniling a mga kongresista na pumabor sa franchise renewal ng ABS-CBN dahil sa tulong nito sa publiko.

Ayon kay Bishop Pabillo, kailangan ngayon ng mga Pilipino ng mapagkukuhanan ng balita at entertainment lalo sa panahon ng pandemya.

“Nanawagan po ako sa mga Kongresista na boboto sa franchise ng ABS-CBN: Ito po ay kailangan ng mga tao, lalong lalo na sa panahon ngayon na kailangang kailangan nila ng balita, ng mga pahayag at entertainment sa panahong ito na may community quarantine dahil sa pandemic,” sabi ni Pabillo sa Radio Veritas.

“Kaya dapat po sana, ang mga kongresista ay panindigan nila ang tungkulin sa bayan at hindi po sa mga namumuno ng bansa,” ayon kay Pabillo.

Noong May 5 ay naglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN para ipatigil ang pag-broadcast ng mga channel at radio station nito.

Noong nakaraang linggo naman ay dinawit ng NTC ang TV Plus at Sky Direct sa kanilang cease and desist order, na pinatigil din ang kanilang digital broadcast.


No comments:

Powered by Blogger.