Pres. Duterte binigyan ng Ultimatum hanggang Disyembre ang mga Telecommunication Company "Ayusin niyo yan!"



Binigyan ng hanggang Disyembre ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang telecommunication company sa Pilipinas na pagandahin ang kanilang serbisyo.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), binanggit ni Pangulong Duterte ang Smart Communications at Globe Telecom at sinabing ilang taon na siyang nakatira sa Pilipinas ngunit parang walang pagbabago sa kanilang serbisyo.

Babala ni Pangulong Duterte, ipapasara niya ang dalawang kumpanya kung hindi nito mapapaganda ang serbisyo nila bago magtapos ang taong 2020.

“Ang Smart pati Globe, ilang taon na ito? At ang sagot palagi sa akin, ‘cannot be reached’. Saan napunta ‘yong yawa na ‘yon?If you are not ready to improve, I might just as well close all of you. We’ll revert back to line,” ani Duterte.

“The patience of the Filipino people is reaching its limit and I will be the one to articulate the anger of the Filipino people… Kindly improve the services before December… I want to call Jesus Christ to Bethlehem, better have that line cleared. Kayo ang may pera, p**** tapos you give us half-cooked deals, lousy service,” dagdag pa nito.

Matagal ng reklamo ng mga Pilipino ang mabagal at mahal na internet sa bansa.

Ang paulit ulit na pangako naman ng mga telecommunications  company, gagawin nila ang lahat para mapaganda ang kanilang serbisyo.


No comments:

Powered by Blogger.