Sen Grace Poe nagreact sa pagbabasura sa prangkisa ng ABS-CBN: "Panibagong biktima ng kawalan ng katarungan!"



Lubhang ikinalungkot ni Senador Grace Poe ang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation ng Mababang Kapulungan sa pagsasabing naging biktima ang kompanya ng kawalan ng katarungan at pagkiling.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na resulta nito, libu-libong breadwinners ang mawawalan ng trabaho, milyong mamamayan naman ang nawalan ng entertainment at impormasyon.

“The pandemic of intolerance has claimed another victim,” ayon kay Poe.

Sinabi ni Poe na hindi perpektong organisasyon ang ABS-CBN at inamin naman nila ang kanilang pagkakamali.

“But in its balance sheet of accomplishments, the good it had done for our people are valuable,” giit ng mambabatas.

Aniya, ang tama – at konstitusiyunal – na tugon ay payagan silang itama nila, katulad din sa pagkakataong ibinigay sa libu-libong franchise applications.

“This is so because a media organization that occasionally commits mistakes is in the nation’s interest than one that is permanently muzzled.,” ayon sa mambabatas.

Idinagdag pa ni Poe na hindi lamang balita ang niyurakan kundi ang enterntainment shows na kumakatawan sa pinakamahusay na gawain, nagpapasaya sa publiko at nagbibigay inspirasyon sa ating mamamayan na maging mahusay.

“The House has indeed set a high and unforgiving bar in approving franchises. This may affect current active franchises,” ayon kay Poe.



No comments:

Powered by Blogger.