Sen. Sotto ilalantad ang Apat na testigo sa malawakang korapsyon sa PhilHealth!



Tatlo hanggang apat katao ang nakahandang tumestigo sa alegasyon ng korapsyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Isa sa mga tetestigo ay ang nagbitiw na si anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith.

“The investigation will not just be focusing on one witness. There will be three or four other witnesses and I am now receiving issues from different groups and different associations against the way PhilHealth is being run,” pahayag ni Sotto sa virtual press conference.

“So we have to look into this, we have to look into all of this,” dagdag pa nito.

Umaasa si Sotto na sa pamamagitan ng malakas na ebidensiyang ilalabas sa gagawing imbestigasyon ng Senado sa PhilHealth, magreresulta ito sa pagpapakulong ng ilang tiwaling opisyal ng ahensiya.

“Last time, noong pinaguusapan itong mga issues ng PhilHealth, puro alegasyon na walang ebidensya,” ani Sotto.

“Ngayon, ang inaasahan ko sa imbestigasyon ay makukumpleto ang ebidensya at saka ang imbestigasyon ay hindi lamang mase-center sa isa, dalawang issue kundi malawakan,” sambit pa nito.

Nanawagan din ito sa iba pang indibiduwal na may hawak na ebidensya na lumantad at patunayan ang iregularidad sa naturang ahensiya.

“Yung mga nagrereklamo ay nanawagan tayo ngayon na lumantad at ibigay samin ang iba pang ebidensiya…Kung matibay ang ebidensyang makikita natin, yung mga taong mananagot ay pananagutin natin at nakakaasa ako na ang Pangulo hindi niya pababayaan yon,” ayon pa kay Sotto.


No comments:

Powered by Blogger.