Sharon Cuneta ibinunyag ang pagkawalang puso umano ng Pangulo ng iwan sa ere ang kanyang Kapatid na tumakbong alkalde ng Pasay "Nabaon nalang sa utang, walang tulong!"



Masakit pa rind aw kay megastar Sharon Cuneta matapos umanong iwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ere ang kanyang kapatid Chet noong ito ay tumakbo bilang alkalde ng Pasay City taong 2019.

Sa isang Instagram post na tila inalis din, nagpahayag ng pagka dismaya si Sharon dahil ang kampo ng kanyang kapatid ay hindi umano nakatanggap ng tulong mula sa pangulo sa kabila ng pag kumbinsi nito na tumakbo si Chet.

“[H]E HIMSELF ASKED & CONVINCED MY BROTHER TO RUN FOR MAYOR OF PASAY. MAY NARINIG BA KAYO SA AKIN? WALA,” aniya

Sinabi pa din ni Sharon na nagulat din sila nang eendorso din ni Duterte ang kampo ni Emi Calixto-Rubiano, na siyang nanalo bilang mayor.

“Nasaktan kami at ang mga anak ko. Nagkabaon-baon sa utang ang kapatid ko kasi wala naman kaming nakuhang tulong. Tuwang-tuwa kami nung inenodrse siya ng Pangulo at ni Inday Sara. Tapos nagulat kami pati ang kalaban niya ay inendorso rin. MAY NARINIG BA KAYO SA AMIN KAHIT NASAKTAN KAMI? WALA,” ayon kay Sharon

Samantala, aniya napuno na din siya sa mga atake ng taga suporta ni Pangulong Duterte dahil sa pagiging outspoken ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Matatandaan na nakatanggap ng banta si Frankie dahil sa kanyang pahayag tungkol sa pangggahasa.

“AYOKO MAKASAMA ANG MGA TULAD NINYONG WALANG AWA O PUSO. ILANG BESES NA KAMI NASAKTAN. NAPAKASAMA KO NAMANG ASAWA AT INA PAG HINAYAAN KO PA NA MAGPATULOY YUNG NG ANO, NAKA-SMILE LANG LAGI?” ayon pa sa Megastar

Naging emosyonal din si Sharon sa isa niyang IG live kung saan inamin niyang lubhang apektado ang kanyang pamilya matapos ang banta kay Frankie ng isang netizen.

Dito din sinabi ng asawa ni senador Kiko Pangilinan na sana ay bumalik na ang pagiging disente ng mga Filipino.

"Nakakatakot na kasi... Ngayon lang ako naka-experience ng ganito." Aniya

"Pagkatapos ng term ni Pangulong Duterte, sana talaga manalo si VP Leni kung tumakbo siya. Baka sakaling bumalik ang pagka disente ng karamihan sa atin." Dagdag pa ni Sharon


No comments:

Powered by Blogger.