Sinungaling? Angel Locsin hindi daw Stockholder sa ABS-CBN Pero Iba ang Nakalagay sa Dokumento "Lumabas ang katotohanan!"



Kahapon ay nagsagawa ng noise barrage ang mga empleyado at artista ng ABS-CBN para umangal sa hindi pagbibigay ng prangkisa sa kanilang istasyon.

Isa sa mga nagsalita ay ang aktres na si Angel Locsin. Binanatan ni Locsin ang kapwa artista niya na tila nananahimik sa franchise issue ng network.

"Sa mga kasamahan kong artistang 'di nagsasalita: Ano? May career pa ba kayo? Wala na, wala na kayong network. Kahit magpa-cute kayo d'yan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face, 'di n'yo nadadamayan ang mga katrabaho n'yo na dahilan kung bakit kayo sumikat!" sabi ni Locsin.

Boladas pa ni Locsin, wala daw siyang shares sa ABS-CBN. Nagpahayag din siya ng utang na loob sa istasyon.

"Wala akong shares sa ABS-CBN. Wala akong kontrata pero itong mga taong ito, sila yung nagbigay ng trabaho sa akin. Sila yung tumulong sa akin nung walang-wala ang pamilya ko." patutsada pa ni Locsin.

Ang pahayag na ito ni Losin ay sinaliksik ng ilang netizens. Nagtungo ang ilang kababayan natin sa investor relations section ng website ng ABS-CBN para beripikahin kung totoo ba ang sinasabi ni Loscin.

Ayon sa investor disclosure ng Kapamilya network, as of June 30, 2020, isa si Locsin sa top 100 shareholders ng istasyon. Ang tunay na pangalan ni Locsin ay Angelica Locsin Colmenares.


No comments:

Powered by Blogger.