Hilbay pinuri si Japan PM Abe at muling pinatatamaan ang Pangulo "A great example for others to follow!"



Sa isang Twitter post ng dating opposition senatorial candidate na si Florin “Pilo” Hilbay, ipinarating nya sa mga netizens ang kanyang paghanga sa Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe, dahil sa pagbibitiw nito sa kanyang pwesto bilang pinuno ng Japan.

Ayon sa masugid na kritiko ng administrasyong Dutrete, dapat sanang tularan ng mga opisyales ng pamahalaan ang ginawang pagbibititiw ni Prime Ministre Abe matapos nitong sabihin na may karamdaman ito.

Dagdag pa ng dating solicitor general, binigyang diin nito na alam ni PM Abe na hindi na nya mapaglilingkuran ng maayos ang bansang kanyang pinagsisilbihan dahil sa lumalalang sakit na nararanasan.

“Shinzo Abe, Japan’s longest-serving leader, resigns over health issues,” ani Hilbay sa kanyang Twitter post.

“By doing so, he recognizes that a leader’s health is tied to the nation’s well-being. Illness affects the leader’s judgment, market confidence, long-term planning, etc,” dagdag pa nito.

Pahayag pa ng dating kandidato ng otso deretso, “great example for others to follow.”

Matatandaan nitong nakaraang araw lamang ay nag-anunsyo si PM Shinzo Abe na magbibitiw na ito bilang Prime Minister ng Japan dahil sa matagal na nito sakit ng ulcerative colitis.

“I cannot be prime minister if I cannot make the best decisions for the people. I have decided to step down from my post,” pahayag ni Abe.

"I would like to sincerely apologise to the people of Japan for leaving my post with one year left in my term of office, and amid the coronavirus woes, while various policies are still in the process of being implemented," dagdag pa nito.


No comments:

Powered by Blogger.