Abogada ng Pamilya ni Jennifer Laude may banat sa Pangulo "May Problema sa Utak si Duterte!"



Bumoladas laban sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang abogado ng pamilya ni Jennifer Laude, ang transgender na napaslang noong 2014 ng Amerikanong Sundalo na si Joseph Pemberton.

Magugunita na kahapon ay naging laman ng balita ang pagbibigay ni Pangulong Duterte kay Pemberton ng pardon.

Ayon kay Atty. Virginia Suarez, may problema daw sa kaisipan ang Presidente ng Pilipinas.

"Alam mo, hindi ako makapaniwala sa ganoon. Ipinapakita nito, 'yung colonial mentality na mayroon ang ating gobyerno'.

This is an exercise of an authoritarian mind. May problema sa utak at isip ang ating Presidente. Nag-iisip siya ng hindi niya kaya dahil ang kaharap niya ay Tsina.

Nag-iisip siya na hindi niya kaya dahil ang kaharap niya ay Estados Unidos," patutsada ni Atty. Suarez


No comments:

Powered by Blogger.