Biktima ng Bagyo nagalit sa mga bumabatikos sa Pangulo "Mulat na kami! 6,000 ang Namatay sa Yolanda, Walang 'OustAquino' at 'NasaanAngPangulo'!"



Kung may iba tayong kababayan na todo ang pagpuna at paninira sa Duterte Administration kaugnay sa ginawang pagresponde ng pamahalaan sa kalamidad, nagsalita naman ang isang netizen at inalala ang naging karanasan niya noong dating administrasyon.

Ikinumpara ni Tyke King Generale ang administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa kasalukuyang gobyerno. Sinabihan din niya ang mga nakababatang henerasyon na huwag turuan ang mga nakatatanda dahil mas mulat umano ang mga tulad niya sa nangyari noon sa bansa.

"I was a college student when Sendong hit Cagayan de Oro. Wala naman kayo narinig na #OustAquino or #nasaanangpangulo kahit nasa party siya that time.

Fast forward tayo sa 2013 Yolanda with 6,340 deaths, 1,000 missing. Wala naman kayo narinig na #OustAquino or #nasaanangpangulo. Now the number speaks for itself sino yun may kakayanan to lead this country when #rollyph hit us with 10 deaths and 3 missing.


Stop telling older generation na dapat na kaming gumising. Because the truth of the matter is we are the Generation na namulat kung sino ang may malasakit sa bansa." banat ni Generale.

Habang isinusulat ang blog na ito ay umani na ng lagpas limang libong rekasyon ang social media post ni Generale. Umabot naman sa higit 8,000 naman ang nagbahagi ng post ni Generale sa Facebook.

Source: Tyke King Generale 



No comments:

Powered by Blogger.