Commission of Human Rights may pasabog na banat kay Pangulong Duterte "Duterte at mga opisyal ng gobyerno tigilan na ang sex jokes!"



Muling binanatan ng Commission of Human Rights si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa mga s3x jokes nito pati na ng mga ibang opisyal ng gobyerno habang nasa isang televised na press briefing.

Diin ng CHR, ang pahayag ng pangulo ay isang uri ng karahasan laban sa mga kababaihan.

Naglabas ang komisyon ng isang mahigpit na paalala kay Duterte at iba pang mga opisyal ng pamahalaan na hindi tama ang mga sexist at misogynistic na pahayag.

“We remind the president and other high ranking officials of their obligation not to perpetuate nor tolerate violence against women,” pahayag ni CHR Commissioner Karen Gomez-Dumpit.

Ayon pa kay Gomez-Dumpit, ang palitan ng s3x jokes ng mga opisyal kasama ang pangulo habang tinatalakay ang mga epekto ng Bagyong Ulysses (Vamco)  ay offensive lalo na sa mga kababaihan na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at nahaharap ang pasanin ng muling pagbuo ng kanilang buhay.

“We remind them that as officials, instead of making jokes at the expense of women during a government briefing, they have to respond immediately to the gendered and intersectional needs of women facing multiple disasters,” ayon kay Gomez-Dumpit.

Kilala ang pangulo sa kanyang palabirong istilo, lalo na patungkol sa mga babae na hindi naman nagustuhan ng ilang mga grupo.

Sa isang press briefing na pinalabas sa publiko nitong November 15, habang kausap ang isang opisyal din ng gobyerno, biniro ito ng pangulo ng:

“He spent all his time [sleeping around with women], and he got old. Having too many women, that makes you old.”

Biniro din niya ang isang lalaki na bumigay sa coronavirus disease na ‘wala itong sapat na babae sa buhay’.

“Rather than the sexual objectification of women—seeing women’s only function is to serve men’s sex*al pleasures—what should have been made visible in the briefing is the need for immediate and mainstreamed gendered responses and addressing the importance of protecting women and girls during and post disaster,” Ayon naman kay Gomez-Dumpit.


No comments:

Powered by Blogger.