Dating Bayan Muna Congressman Teddy Casiño naglabas ng galit sa Gobyerno "Buhay ko ay Nanganganib na dahil sa Red-Tagging Nyo!"



Para kay Former Bayan Muna partylist Rep. Teodoro ‘Teddy’ Casiño, natatakot na raw siya sa kaniyang kaligtasan matapos siyang iugnay bilang high-ranking official ng Communist Party of the Philippines – National Democratic Front – the New People’s Army (CPP-NDF-NPA).

"Kami ay nangangamba kasi yung ibang tulad namin na inaakusahan ng ganiyan, marami sa kanila ang pinapatay," boladas ni Casiño.

Ayon kay Casiño, hindi nararapat na ikonekta ang grupo nila sa CPP-NPA-NDF dahil lang may ilang miyembro nila na sumali sa armadong pakikibaka. Delikado raw ito dahil magiging target daw sila ng mga operasyon ng kasundaluhan.

"Yung NPA naman nagrerecruit sa lahat ng sector iyan. Hindi dahil na may na-recruit mula sa isang organization ay ituturing mo ng bahagi yung organization na iyon ng armadong kilusan. Dangerous yung ganoon pag-tingin kasi ang mangyayari ay pati kami ay magiging target ng military operations," patutsada pa ni Casiño.

Naging kontrobersiyal ang naging pahayag ni Casiño kamakailan sa seante hearing matapos nitong sabihin na hindi niya itinuturing na kalaban ang mga NPA.

"Hindi ho masasamang tao ang mga ito. Sila po ay kapwa Pilipino na nagnanais ng pagbabago. Sa halip po na kundinahin sila at ang kanilang pakikibaka, hindi ba mas mabuti na pakitunguhan o i-engage natin sila para sa paglutas sa suliranin ng ating bayan.

Kaya napaka-importante sa amin ang peace talks. Bakit nga ba nagiging NPA ang ibang aktibista? Ito po ang simpleng sagot: Nasi nilang lunasan ang mga problema at hinaing ng ating mamamayan at marahil hindi na sila nasasapatan sa kayang ibigay ng ksalukuyang sistema," kuda ni Casiño sa ginawang senate hearing ukol sa red-tagging.

Sa nasabing seante hearing ay tumestigo ang ilang dating NPA cadre at nagsalaysay kung paano ang ugnayan ng mga legal fronts at ng armed-wing ng mga komunista. Magugunita na idinetalye pa nga ni Ka Eric ang ginagawang pangingikil ng mga rebeldeng komunista sa mga malalaking telecommunication companies.

Source: DZRH
=

No comments:

Powered by Blogger.