De Lima galit na Nagreact sa Sinabi ni Pangulong Duterte kay Leni "Asal-hayop ka! DI kami papayag na gawin mo rin kay Leni ang ginawa mo sa akin.”



Para sa nakakulong na senadora na si Leila De Lima, hindi daw makakapayag ang kanilang hanay na lapastanganin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo.

"Hindi kami papayag na gawin mo rin kay VP Leni ang ginawa mo sa akin. Dahil wala kang ebidensiya at pikunin ka, para siraan ang inaaway mong babae, inatake mo na lang ang pagkababae niya. No one expects you to be a gentleman because you are not. Pero hindi ibig sabihin na magpapaka-asal hayop ka sa mga babae," sabi ni De Lima.

Magugunita na sa kaniyang public address ay hindi pinalampas ni Pangulong Duterte ang mga 'pabibo moves' ni Robredo sa kasagsagan ng pagliligtas ng pamahalaan sa mga residenteng apektado ng bagyo.

Ayon sa Pangulo, gustong palabasin ni Robredo na ito ang nagmamando sa rescue at relief operations ng gobyerno. Nagbabala din si Pangulong Duterte kay Robredo na mayroon itong ilalabas kung sakaling tumakbo itong presidente sa 2022 elections.

"I would like to just give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied making her incapable of truth. Alam mo ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo. While you were making calls, nagche-check ka pakunwari…

Alam mo ‘yung mga military hindi ‘yan maniwala sa iyo because tama sila you are not in the line of authority basta ganun. Wala kang… Times of emergency, ako lang pati ang military. It’s between me and military pagka pulis. Iyan lang sila kami mag-ano.

So huwag ka masyadong porma-porma, hindi mo talaga panahon. Hindi mo pa panahon. Not time to be making a grandstanding coming up with. Matagal na talaga akong maraming sabihin sa iyo pero ireserba ko na lang.

When you start your campaign kung magtakbo ka ng presidente, waswasan kita nang husto. Well, this is your bad — this is your nightmare. Sabi ko pagka-incompetent mo and you were lying," banat ng Pangulo

Source: Philstar


No comments:

Powered by Blogger.