De Lima, Tinawag Na Maligno At Basura ang mga Facebook Pages Ng Mga Supporters Ni President Duterte "Mga Bayaran kayong Lahat"



Kamakailan lamang, kumalat ang balita sa social media tungkol sa pagtanggal umano ng sikat na online social media network na Facebook sa mga account at pages na konektado umano sa mga kapulisan at militar.

Maliban pa diyan, ang Facebook na mula sa ibang bansa ay mayroon din daw tinanggal na iba pang account na nagpapakita ng suporta kay President Rodrigo Duterte at sa anak nito na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag dito si Senator Leila De Lima na sa ngayon ay nakakulong. Para sa kaniya, hindi na daw siya nagulat nang mabalitaan ang nangyari. Bwelta pa ni De Lima, basura at wala naman daw mga kwenta ang laman ng mga Facebook pages na nagpapakita ng suporta kay Pangulong Duterte. Tinawag pa nga ng senador na mga tiyanak at maligno ang mga ito.

Ani De Lima,

“Hindi na ako nagulat na nagkalat na naman ang mga pekeng account at Pro-Duterte Facebook page na mga basura ang laman. Dahil kaya naman tatay ang tawag kay Duterte ay dahil siya ang bumubuhay sa mga pakawalang tiyanak at maligno diyan sa social media.”

Samantala, ang page ng mga magulang na nawalan ng anak dahil sa mga komunista ay isa lamang sa mga pages na tinangaal ng Facebook.

Sa isang video, ipinahayag naman ni Ginang Relissa Lucena, isa sa mga magulang na nawalan ng anak, ang kaniyang pagkadismaya sa pagkawala ng kanilang Facebook page.

Ayon kay Ginang Lucena, hindi niya maintindihan kung bakit pati ang page nila ay nasama sa natanggal ng Facebook na ang layon lamang nito ay marinig ang kanilang boses na maibalik na ang kanilang mga anak. Kwento pa ng nangungulilang ina, ang kaniyang anak ay 16-anyos lamang at menor de edad nang maimpluwensyahan na ito ng mga komunista.

Aniya, nais lamang nila na maibalik na sa puder ang kanilang mga anak na ilang buwan na din nilang hindi nakikita.

Panoorin sa ibaba ang pahayag ng ginang: 



No comments:

Powered by Blogger.