Director Gen. Monteagudo hindi pinalampas ang Panggagago ng Makabayan Bloc "Bakit di mga Anak nyo ang Isabak sa NPA kung naniniwala kayo sa Ipinaglalaban Nila!"



Hindi pinalampas ni National inteligence Coordinating Agency Director General Alex Monteagudo ang mga paliwanag ng mga miyembro ng Makabayan Bloc tungkol sa rebolusyon na isinasagawa ng New People's Army (NPA).

Magugunit ana kahapon ay sinabi ni former Bayan Muna Representative Teddy Casiño na naniniwala siyang hindi masamang tao at hidi kalalaban ang tingin niya sa mga rebeldeng komunista.

"Hindi ho masasamang tao ang mga ito. Sila po ay kapwa Pilipino na nagnanais ng pagbabago. Sa halip po na kundinahin sila at ang kanilang pakikibaka, hindi ba mas mabuti na pakitunguhan o i-engage natin sila para sa paglutas sa suliranin ng ating bayan.

Kaya napaka-importante sa amin ang peace talks. Bakit nga ba nagiging NPA ang ibang aktibista? Ito po ang simpleng sagot: Nasi nilang lunasan ang mga problema at hinaing ng ating mamamayan at marahil hindi na sila nasasapatan sa kayang ibigay ng ksalukuyang sistema," boladas ni Casiño.

Ganito din ang naging tono ni current Bayan Muna Congressman Carlo Zarate.

Ang mga boladas na ito ng mga makakakaliwang kongresista ay agad sinopla ni DG Monteagudo.

"If the Makabayan Bloc truly believes in the cause of the NPAs, why allow the recruitment of children of other parents? If the cause of the NPA is so noble, why not recruit their own children to support this organization?

That is the problem and we just look away when this terrorist organization victimized our children. The bottom line is that, this is a matter of protecting our children," buwelta ni Monteagudo.

Pinaalala din ni Monteagudo sa mga nakatuon sa senate hearing na ang Communist Party of the Philippines, NPA ay itinuturing na terrorist organization hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. Para kay Monteagudo, pagkunsinti ang hindi pagkundina sa mga masasamang gawain ng mga rebeldeng komunista.

Source: Senate of the Philippines


No comments:

Powered by Blogger.