Leftist Youth Group ng UP may paandar na Hamon sa Pangulo "Walang Klase hangga't Hindi Napapatalsik si Duterte!"



May bagong paandar na naman ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa League of Filipino Students-UP Diliman, wala daw pasok hanggang hindi naalis sa pwesto ang Presidente.

"Nanawagan ang League of Filipino Students - UP Diliman na tuluyang ihinto ang kasalukuyang semestre at magsagawa ng mass promotion bilang sagot sa pinsalang dulot sa mga estudyante’t kawani ng sunod-sunod na kalamidad na pumasok sa Pilipinas katuwang ang kawalan ng epektibong aksyon ng administrasyon dito.

Hindi na makatarungang ipagpatuloy pa ang semestre sa ilalim ng di pulidong alternatibong sistema at patuloy na dagdagan ang pasanin ng mga mag-aaral na lubhang naakpektuhan ng mga nagdaang sakuna.

Bakas sa walang humpay na mga hinaing mula sa hanay ng mga estudyante’t mga guro ang di mabisang lagay sa ilalim ng palpak na remote learning.

Lubhang nangangailan ito ng paghahasa upang masabing epektibo ito sa pagiging alternatibong paraan ng pag-aaral sa halip na maging dagok pa sa kalusugang mental ng kabataan. Pinaigting pa ito ng takot dulot ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 dala ng kapalpakan ng rehimen sa pagsugpo dito.

Kakarampot na nga lang ang tulong na tunay na natanggap ng taumbayan, isang patak sa baha ng mga problemang nagsisulputan mula sa kapabayaan ng rehimeng Duterte.

Pinalala pa ito ng buhos ng mga bagyong winasak ang buhay ng kay raming mamamayan. Di maikakailang lubhang mahihirapang makabalik sa normal na pamumuhay ang libo-libong mga mag-aaral na nasalanta ng bagyo’t kapabayaan ng administrasyon.

Hindi na kakayanin ng mga mag-aaral na ipagpatuloy ng kabataan ang pag-aaral sa ilalim ng anti-estudyanteng remote learning setup!

Habang nakaupo ang pabayang si Duterte’y wala tayong maaasahang aksyon sa sandamakmak na problemang kasulukuyang hinaharap ng Pilipinas. Ilang beses na itong napatunayan sa pagkibit balikat nito at ng mga alipores nito sa sunod-sunod na kalamidad na sumalakay sa ating bansa.

Kitang-kita na tayo-tayo lang din namang mga mamamayan ang tumutulong sa isa’t isa sa harap ng panganib at sakuna. Hindi magtatapos ang delubyong kinahaharap ng taumbayan hangga’t di napapatalsik si Duterte. Sa ganitong lagay marapat lamang at isang kagyat na pangangailangan ang ganap na pagpapatalsik sa rehimeng Duterte!"

Hindi naman pinalampas ng ilang personalidad ang bagong pakulo ng mga makakaliwang grupo.

"Kayo rin naman ang kawawa, lalo ang magulang ninyo- na nagbayad ng sobrang mahal na tution (lalo na kung sa Ateneo ka) para lang makapag aral ka pa rin ngayong pandemic.

Maging senstive naman kayo sa aming mga magulang ninyo.  Parang bata lang talaga, na ‘di kakain kasi nagtatampo, ganern?  Eto, ‘di kayo papasok kasi galit kayo kay Digs?  Nyeh.   Nagawa nga magpapatay ng mga adik at pusher, pansinin kaya ang tampururot ninyo?  Pagtatawanan lang kayo niyan, oy. Pero yung hindi kayo papasok?"

Kung anak kita at ako ang nanay mo, mahahampas kita dahil sinayang mo ang tution mo na pinaghirapan kong kitain.   Pandemic ngayon, marami ang hindi nakapag aral kasi nawalan ng work ang mga magulang kaya maswerte ka kasi may pera kayo— so huwag brat.  Pumasok.   Baguhin ang plano.   
Ibahin ang paraan ng protesta.  Marami ang sasali sigurado.   Pag tama ang paraanm," banat ng GMA writer na si Suzette Doctolero.

Hangga't hindi daw na oust si Duterte, hindi daw mag aaral ang mga students ng Ateneo, UP, and La Salle.

So hindi kayo papasok hanggang 2022?" buwelta naman ng radio host na si Mark Lopez.

Source: League of Filipino Students 



1 comment:

  1. umepal na naman si Delima kumasa ka kung hindi mo nagustuhan ang mga sinabi ni PRRD kay Leni ano bang magagawa mo na nandyan ka sa labas pa no'ng una ngayon na nasa bilanggo ka kapal at kaepal ng pagmumukha nito..Inoduro o sa pusonegro kaya kayo pupulutin niyanMay nagawa ba kayo ng 91% ang trust rating ng PRRD mataas pa sa sino mang Pres. ng ibang bansa maski ano ang pagcriticized ninyo wala na kayong magagawa dahil wala nang naniniwala sa inyo...

    ReplyDelete

Powered by Blogger.