LOOK | Agot Isidro galit na rumesbak at Dinepensahan si Leni " Si Leni ay ang Presidenteng Abala" - Balitang Pinas



Hindi nagustuhan ng aktres na si Agot Isidro ang mga naging birada ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginawang pagpapabibo ni Vice President Leni Robredo sa kasagsagan ng rescue and relief operations ng gobyerno para sa mga apektado ng bagyong Ulysses at Rolly.

Matatandaang nakatikim ng mga malulutong na banat mula kay Pangulong Duterte. Ayon sa Presidente, tila gusto palabasin ni Robredo na ito ang nagtitimon sa pagtulong ng gpbyerno sa mga biktima ng kalamidad.

"While you were making calls, nagche-check ka pakunwari…
Alam mo ‘yung mga military hindi ‘yan maniwala sa iyo because tama sila you are not in the line of authority basta ganun. Wala kang… Times of emergency, ako lang pati ang military. It’s between me and military pagka pulis. Iyan lang sila kami mag-ano.

So ‘pag sinabi mo mag-order, you do not… Ano bang gawain mo? Wala, tapos na ‘yan. It has become a fait accompli question for you.
You do not give orders on the day of the battle. You go and tell your soldiers to deploy and to take their position so that when the enemy comes, you would be able to respond appropriately," sabi ni Pangulong Duterte.

Sa kaniyang social media account, binanatan ni Isidro ang Pangulo at tinawag nito na presidente si Robredo.

"Sabihin mo iyan sa mga natulungan ni VP Leni since Day 1. Snooze, you lose po. kay #BusyPresidenteLeni kami," boladas ni Isidro.

Si Isidro ay matinding kritiko ni Pangulong Duterte. Magugunita na tinawag pa nga nito na 'Psychopath' ang Pangulo ng Pilipinas.

"Unang-una, walang umaaway sa iyo. As a matter of fact, ikaw ang nang-aaway. Pangalawa, ‘yung bansa kung saan ka iniluklok ng 16 million out of 100+ million people ay Third World.. Kung makapagsalita ka parang superpower ang Pilipinas eh.

At excuse me, ayaw namin magutom. Mag-isa ka na lang. Wag kang mandamay. Hindi na nga nakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo," patutsada ni Isidro noong 2016.

Source: News5 



No comments:

Powered by Blogger.