LOOK | Komedyanteng si Ethel Booba may patama sa mga politiko na “nagpapaawa” kapag nakakatanggap ng “real talk”



May bagong banat ang komedyante at blogger na si Ethel Booba sa mga politiko na tila ay nagpapaawa sa publiko kapag sila ay nakakatanggap ng pambabatikos.

Sa kanyang Twitter, sinabi ni Ethel na dapat ay handa sila sa kanilang isasagot kung sila ay makakatanggap ng pambabatikos o sila’y pa-prangkahin.


“Pag di kaya siraan hanapan ng butas. Eh pano na pag nasa ayos naman pala lahat. Tsaka iba ang real talk sa nang babatikos lang. Kaya pag tinamaan kayo. Dapat handa kayo ng isasagot nyo di yung para kayong kawawa. O nagpapa awa huy. Old school pa rin wa epek na!!! Happy?” ani Ethel.

May patutsada pa siya sa mga tao na nag aabang pa ng masamang panahon para lang magawa sila ng panibagong isyu laban sa gobyerno.

“May bagyo pa bang parating? Kawawa naman sila nauubusan na ng issue. Abang abang lang ang peg,” dagdag niya pa.


Hindi naman binanggit ni Ethel kung sino ang kanyang pinapatamaan.

Kilala ang nasabing komedyante sa kanyang pagiging vocal sa usaping politika at ginagamit niya ang kanyang Twitter minsan upang batikusin ang mga kontra sa mga polisiya ng kasalukuyang administrasyon.

Ilang araw lang ang nakakaraan ay hinimok niya ang mga netizen na magdasal na lamang na wala ng bagyo na dumaan sa Pilipinas imbis na gamitin ang masamang panahon para siraan ang Pangulo.

Nag tweet si Ethel sa gitna ng palitan ng batikos sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Bise Presidente Leni Robredo.

Matatandaan na nangako si Robredo na siya’y “lalaban” sa mga pahayag sa kanya ni Duterte.


No comments:

Powered by Blogger.