LOOK: Leila De Lima, Pinatamaan Nga Ba Si Leni Robredo sa kanyang Pahayag? "MAINGAY ANG LATANG WALANG LAMAN!"



Muli na namang pinatutsadahan ni Senator Leila De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang Twitter account. Ngunit, sa kaniyang b0ladas kay Pangulong Duterte ay tila natatamaan naman ang kaalyado niya sa oposisyon na si Vice President Leni Robredo.

Sa kaniyang pahayag kasi, sinabi ni De Lima na puro yabang at satsat lamang daw ang Pangulo ngunit wala naman sa gawa. Sinabi pa niya na: "Maingay ang latang walang laman."

Ngunit, sa pahayag na ito ni De Lima ay tila pinatatamaan na din niya si Vice President Leni Robredo. Puro yabang dahil panay ang kuha ng kaniyang larawan at ginagamitan ng media ang lahat ng kaniyang ginagawa.

Puro satsat, dahil panay ang puna at batikos niya sa gobyerno ngunit hindi naman siya gumagawa ng paraan para tulungan ang gobyerno sa paggawa ng aksyon.

Narito ang pahayag ni De Lima sa Twitter,

"Puro ka kasi yabang. Puro ka drama. Puro ka satsat. Kungsabagay, may kasabihan nga naman: Mas maiingay yung mga latang walang laman."

Sa isa pang tweet, pinatutsahan muli ni De Lima si Pangulong Duterte. Aniya,

"As I said before, the proposed 2021 National Budget is giving Duterte the expanded power to declare unobligated allotment as savings, in case of a declaration of a State of Calamity, which definitely smells of pork."

Ani pa niya,

"Kung binibigyan ng kapangyarihan si Duterte na ma-realign ang budget nang hindi na kinakailangan ang emergency powers, para na ring naging personal slush fund niya ang Pambansang Budget."

Dagdag pa ng Senadora,

"When Duterte said before the UN that the Hague ruling is beyond compromise, he must have meant: unless China says otherwise. Because here he is now taking a step closer to the realization of his joint exploration deal with his BFF."

"Asa pa tayong paninindigan nya ang sinabi niya sa UN, eh halatang nagsinungaling at nagpaka-plastic lang sya doon. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtatraydor at pagbebenta nya sa ating soberanya kapalit ng mga loans at concessions na luging-lugi ang Pilipino."

Pagpapatuloy niya,

"Yan ang legasiya ni Duterte: Ang pigain nang pigain ang yaman at interes ng bansa para gawing paraiso at pinagsisilbihan nyang Tsina."


No comments:

Powered by Blogger.