LOOK | Prominent Lawyer sinagot ang mga Patutsada ni Angelica Panganiban "Pagsabihan nyo din yung mga kasamahan niyong ayaw tumigil mag rally!"



Di nakapag pigil ang abogadong si Trixie Cruz-Angeles at sinagot ang patutsada ng aktres na si Angelica Panganiban sa Twitter.

Kahapon, nag-tweet ang aktres ng ABS-CBN, “hilingin mo ang pandemya na utang na loob. Hindi ba kayo kinikilabutan sa dami ng may sakit? Marami na ang namatay sa EJK, dadagdagan niyo pa ng covid? Kailan kayo titigil? "

Kaya naman ang naging sagot dito ni Cruz-Angeles ay, “Sabihan nyo rin po yung mga ayaw tumigil mag rally nang mabawasan ang mga pagkakataon ma infect and iba. Nasa pandemiya tayo, utang na loob.”

Naunang kinondena ni Panganiban ang hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABS CBN, kung saan kabilang ang aktres.

Naglabas ng saloobin ang aktres laban sa mga mambabatas na bomotong huwag bigyan bagong prangkisa ang network.

“Nanahimik dahil hindi kayang buuin ng salita ang nararamdaman ko. Galit, takot, pangangamba. Ilang buwan nang nag iisip paano na ang kasamahan namin sa trabaho. Ang pamilya nila. At dumating na ang araw na napakahirap tanggapin,” aniya

“Serbisyo para sa bayan ang dapat na inuuna ng mambabatas natin. Sa ginawa nila, sarili nila ang inuna nila. Sa totoo lang, hindi po namin responsibilidad ang mga empleyado na nawalan ng trabaho. 

Pero nandito kami. Nagsasalita, para sa kanila. Bakit? Kasi siguro yun ang makatao,” dagdag pa ng aktres

Narito naman ang mga naging reaksuyon ng ilang netizen sa sagot ni Cruz-Angeles sa Twitter.

“Angelica...huwag puro ganda..minsan gamitin nag utak...ikonekta Ang dila...para Hindi mukang tanga...”

“Sila nga tong Pandemic na sige pa din ang kaka vigil eme. Jusme Atty... Nakakaloka sila”


No comments:

Powered by Blogger.