LOOK | Sen. Sotto hindi papayag na gamitin ang Smartmatic sa 2022 Election " Hindi sila mapapagkatiwalaan!"



Para kay Senate President Vicente 'Tito' Sotto, gagawa daw sila ng paraan upang hindi na magamit ang mga Smartmatic machines sa halalan 2022. Ayon kay Sotto, kuwestiyonable daw ang integridad ng kumpanya para sa nakararami.

"Ako, hindi talaga ako papayag na Smartmatic pa rin ang gagamitin nila, Hini na puwede iyon. Mag-iisip kami ng paraan kung paano sila maba-ban," sabi ni Senate President Sotto.

Suhestiyon ni Sotto na magkaroon ng hybrid election kung saan manual ang pagbibilang ng boto at ang pagpasa ng resulta ay automated.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na may government official na nagsalita laban sa Smartmatic voting-machines. Sa katunayan, maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nanawagan na sa Commission on Election (COMELEC) na ibasura na ang voting-machinesng nasabing kumpanya.

"I would like to advise Comelec now: dispose the Smartmatic. Look for a new one, free of fraud. You have 3 years, katatapos lang ng eleksyon. Palitan na ninyo because it is no longer acceptable to the people, to the congressmen, or you - anything that promotes cheating. Why are you insisting on Smartmatic?.

I will assure you, I will bring this matter before the nation. And I will tell them: 'Stop it because you are creating a problem that will explode,'" sabi ni Presidente Duterte.


Magugunita noon na ipinanukala ng Public Relation Strategist na si Franco Mabanta na dapat lumipat na daw ang Pilipinas sa blockchain system. Ang nasabing sistema ay ginagamit umano sa Bitcoin.

"Let's switch from SmartMatic to a blockchain electoral system by 2025; same tech used by Bitcoin. I'll be able to prove to you how well it works in 12 months, early enough to make Pulse and SWS irrelevant come the 2022 Presidential elections. It is utterly uncheatable," ayon kay Mabanta.

Source: News5


No comments:

Powered by Blogger.