Mga Sundalong Tutulong sa Typhoon Ulysses Relief Effort at Rescue Operation Inatake ng mga NPA "Walang Pinipiling Oras!"



Hinarang ng mga New People's Army (NPA) sa may Macalelon, QUezon, ang mga sundalo na tutulong sa humanitarian mission para sa mga apektado ng bagyong Ulysses.

Ang bakbakan ng dalawang panig ay nagtagal ng halos isang oras. Aabot sa 20 rebeldeng komunista ang nakabakbakan ng mga tropang mula sa  85th Infantry Battalion (85th IB).

Ayon sa ilang ulat, ang mga komunistang terorista ay mula sa Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) Platoon Sol and Japson at pinangungunahan nni Ka Mitch. Ang naturang grupo ay nap[aulat na nanngingikil sa mga residente ng Barangay Lahing sa Macalelon.

Ayon kay Commander of the 201st Infantry Brigade (201st IB) Brig. Gen. Norwyn Romeo Tolentino, nakuha ng mga sundalo mula sa mga nagpulasang mga NPA ang mga improvised explosive device (IED), 4 na magazines at iba't-ibang war paraphernalia.

"There was no casualty recorded on the part of the security forces, while the casualty count among the NPAs is being validated by the troops who are still conducting pursuit operations," sabi ni Tolentino.

Pinayuhan naman ni Army’s Second Division Head Maj. Gen. Greg Almerol ang mga tropa ng pamahalaan na maging mapagmatiyag at alerto habang nagsasagawa ng mga humanitarian mission dahil ginagamit ng mga rebeldeng komunista ang kalamidad bilang oportunidad na maghasik ng kasamaan.

"No words will ever be enough to express our disgust over the NPA’s unacceptable act in threatening the communities and endangering their lives instead of joining the government’s cause in helping the people amid the devastation brought about by Typhoon Ulysses," sabi naman ni Maj. Gen. Greg Almerol.

Source: Manila Bulletin 



No comments:

Powered by Blogger.