Renato Reyes may matinding banat kay Pangulong Duterte “No one asked the President to swim in the floods, Tulog ng tulog!”



Bagong Alyansang Makabayan Secretary-General na si Renato Reyes, pinaalalahanan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya inuutusan ng mga tao na lumusong sa baha sa gitna ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa.

Sa kanyang social media post, binanatan ni Reyes si Duterte matapos ipagtanggol ng Pangulo ang kanyang sarili sa mga kritiko na hinahanap siya.

“It’s not that I’m at a distance from you. Gustong pumunta doon, makipaglangoy nga sa inyo. Ang problema, pinipigilan ako kasi raw, ‘pag namtay ako, isa lang ang presidente. Sabi ko, may vice president naman. Wala naman silang sinasagot,” ani Pangulong Duterte.

Ngunit ayon kay Reyes, hindi naman paglangoy sa baha ang hiling ng publiko sa Pangulo.

Kinuwestiyon din ng aktibista ang mabagal na anunsyo ng gobyerno katulad ng class suspension.

“No one asked the president to swim in the floods. People needed clear guidelines, early warnings, sufficient resources and logistics and preemptive measures. They needed this yesterday,” ani Reyes.

“Isang simpleng pwedeng nagawa ng gobyerno kanina pa ay ipag-utos ang suspensyon ng lahat ng klase mula Friday hanggang Saturday, upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga nasalanta ng Ulysses na tugunan ang epekto ng bagyo. Gabi na, wala pa rin. Nauna pa ang Maynila,” sabi niya pa sa isa pang social media post.

Pinuna rin ni Reyes ang tila paulit ulit na ginagawa ng Pangulo tuwing may bagyo.

“1. Bagyo.
2. Missing.
3. Post-Bagyo Press Conference.
4. Aerial Inspection.
5. Repeat.
#UlyssesPH #RollyPh”

Hindi rin daw naramdaman ni Reyes ang NDRRMC at tinawag niyang “walang saysay” ang mga ipinapamahagi nitong advisory.

“Sa totoo lang, hindi namin naramdaman ang NDRRMC. Walang saysay ang mga advisory na gabi na pinapaabot dahil hindi na makakapaghanda at makakalikas ang mga tao. Kaya ‘wag niyong sabihing handa kayo at kasalanan na naman ito ng mga tao na hindi lumikas,” sabi niya.

Matatandaan na nakapag aerial inspection na si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang bahagi ng Marikina at Rizal upang tignan ang pinsalang naidulot ni Ulysses.

Nangako naman ang Pangulo na gumagalaw na ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang tulungan ang mga apektado. 



No comments:

Powered by Blogger.