LOOK: Kilalang GMA-7 Writer pinagtanggol ang mga sundalo na ginagawa diumanong “kontrabida” ng mga Media!



Hindi na nakapagpigil ang kilalang writer ng GMA-7 at ipinagtanggol nito ang mga sundalo na nakasagupa ang grupo ng mga NPA kung saan ay kasama dito ang anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat.

Matatandaan na nasawi ang anak ni Rep. Cullamat na si Jervilyn sa enkwentro sa pagitan ng mga militar at NPA.

Nangyari ito sa gitna ng isyu ng red-tagging kung saan ay inaakusahan ng ilang opisyal ng gobyerno ang mga grupo katulad ng Bayan Muna na konektado diumano sa NPA.

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Doctolero na wala namang ginawa na masama ang mga sundalo sa labi ni Jervilyn.

“Bakit kontrabida bigla ang mga sundalo? Tandaan: after nagtakbuhan at iniwan ng mga kasamahan niyang NPA ‘yung rebeldeng anak ni Mrs. Party List rep ay binuhat ng mga sundalo ang namatay, at inuwi para may mapaglamayan ang pamilya nito. Kung mga hayuf ang mga sundalo, e di sana iniwan na lang na nakatiwangwang ang bangkay?” ani Doctolero.

Sinabi pa ni Doctolero na hindi naman masama ang kunan ng litrato si Jervilyn dahil nagpapakita ito kung ano ang mangyayari sa mga taong kumakalaban sa estado.

Ayon sa ilang report ay inakusahan ng Rep. Cullamat ang mga kasudaluhan ng pambababoy sa katawan ng kanyang anak.

“Dahil choice niya na maging rebelde at lumaban sa estado, kaya bakit ang daming ngawngaw nung namatay sa engkwentro? May pumapalag ba sa mga sundalo kapag sila naman ang namamatayan?” saad ni Doctolero.

“Papicture din kayong mga NPA kung gusto ninyo. Hirap sa inyo, daming ipokrito. Sus, di pa namin nakakalimutan ang cleansing at purging na ginawa ninyo sa sarili ninyong mga kasama. I still remember the faces ng mga dating kasama at kakilala. Mga hayuff.” dagdag niya pa.

Umabot ng 689 shares ang post ni Doctolero.


No comments:

Powered by Blogger.