LOOK: Sen. Imee Marcos, Ibinunyag Na Wala Nang Laman Ang Bataan Nucl3ar Power Plant! Binenta Na Ng Dating Admin



Ngayon ay isinusulong ni Senator Imee Marcos ang iba pang alternatibong maaring pagkuhanan ng enerhiya sa bansa maliban sa Bataan Nucl3ar Power Plant.

Ito ay kasunod na din ng naging kautusan ni President Rodrigo Duterte sa Department of Energy na magsagawa muna ng konsultasyon sa publiko para sa muling pagbuhay ng Bataan Nucl3ar Power Plant.

Sa isang panayam sa RMN Manila, isiniwalat ni Marcos na wala nang laman at ang tanging natitira na lamang sa naturang power plant ay ang gusali nito.

Ani Marcos,

"Well, ang totoo ang nucl3ar power plant, eh wala nang laman, andoon na lang yung gusali. Buong buo yung building parang itinatag kahapon. Buong buo siya, perfect siya."

Ngunit, sinabi din ni Marcos na naibenta na ang mga reactor sa mga nagdaang administrasyon kaya kung bubuksan muli ito ay back to zero na talaga.

Dagdag ng Senadora,

"Kaya lang binenta na, talagang chinop-chop na yung laman. Wala na yung processor, reactor o ano man yan... Talagang kinahoy na kumbaga."

Ayon pa kay Marcos, pinag-uusapan din daw nina Governor Apet sa Bataan na gagawin na lamang nilang cloud computing at fiber security center ang naturang lugar kung sino man ang interesado. Gayunpaman, ang nasabing power plant ay naibenta na umano ng mga nakaraang administrasyon ang laman ng power plant, katulad ng processor, reactor, at iba pang bahagi nito.

Dagdag pa ni Marcos, wala siyang kapit sa nasabing proyekto dahil aniya, para sa kaniya ay napakarami ng alternatibong power sources. Saad din ni Marcos na ang dapat pasukin ng bansa ay ang pinaka-angkop, pinakamura, at well-distributed sa ating bansa.

Saad pa ng Senador na kahit pa man legasiya ng kaniyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Bataan Nucl3ar Power Plant, nakakasiguro siya na maiintindihan ng kaniyang ama na mayroon na tayong mga makabagong teknolohiya ngayon at marami na ding mga alternatibo ang mahahanap na maaaring pagkuhanan ng enerhiya.


No comments:

Powered by Blogger.