LOOK: Trillanes inakusahan ang Pangulo "‘Ang lupit ninyo!’ 2 makapangyarihang kaalyado ni Duterte konektado sa katiwalian sa PPE!"



Inakusahan ni dating senador Antonio Trillanes IV ang dalawang kaalyado ni Pangulong Duterte ng umano’y katiwalian sa pagbili ng mga gamit na pang-proteksiyon para sa mga manggagawa sa kalusugan.

Lumabas ang akusasyon ni Trillanes matapos na maiulat na nakakuha ng P727 milyon na deals sa PPE supplies ang tatlong blacklisted na kumpanya.

Ang tatlong kumpanya ay kabilang sa mga kasama sa blacklist ng Department of Budget and Management (DBM) dahil sa mga paglabag sa bidding at pagpapatupad ng kontrata.

Binatikos ni Trillanes ang sinasabing scam sa acquisition ng PPE at isiniwalat ang pagkakasangkot umano ng dalawang “very powerful figures” na malapit sa pangulo na hindi niya pinangalanan.

“This is the smoking gun of corruption that would link 2 very powerful figures close to duterte,” ayon sa dating mambabatas

“Ang lupit nyo, pati mga PPEs pinagkakakitaan nyo!” aniya pa.

Nauna nang namili ang gobyerno ng mga proteksiyon para sa mga health workers upang matiyak ang kanilang kaligtasan at proteksyon mula sa COVID-19.
 
Sa ilalim ng Bayanihan law ay maaaring pabilisin ang pakikipag-kasundo sa mga pagbili ng mga mahahalagang produkto na may malinaw at simpleng alintuntunin sa liquidation.

Ang mga patakaran na dapat sundin sa mas pinadaling proseso ay para maiwasan ang ang pang-aabuso at katiwalian nang hindi nakakabagal sa mga transaksyon.

Ayon sa ulat ng Inquirer, ang mga kumpanyang blacklisted ay kinabibilangan ng tatlong nakakuha ng kontrata para mag supply nga PPEs- ito ay ang Ferjan Health Link Enterprises, Cebu Business Materials Trading Co. Inc. and Jozeth Trading.

Nilinaw naman ng opisyal ng DBM na si Rolando Toledo, Assistant Budget Secretary na hindi maaring makilahok ang mga kumpanyang blacklisted kahit na noong ipinatupad ang emergency procurement.

Ayon din kay Toledo, mas makabubuti na malaman muna ang dahilan kung bakit blacklisted ang mga nasabing kumpaya kung ito ba ay maaaring gamitin para mabali ang kontrata.

Sinabi ni Toledo na maaaring kaharapin ng mga ahensya ang kasong administratibo o kriminal, depende sa dahilan na iginawad nila ang kontrata sa isang blacklisted entity. 



No comments:

Powered by Blogger.