LOOK: Matandang Lalaki na Sinisid ang Baradong Kanal, Kinahabagan ng Netizen!


Magmula ng pumasok sa ating bansa ang C0VID-19 pandèmic ay marami sa ating mga kababayan ang lubhang naapektuhan. 

Ang ilan ay nagsarado na ng negosyo, ang iba naman ay nawalan na ng trabaho. Dahil dito, kanya-kanya ang ilan sa atin kung paano at anong paraan ang gagawin para makaraos sa pang araw-araw.


Isang video ng matandang lalaki naman ang kumalat sa social media matapos na sisirin niya ang baradong kanal. Makikita na tinitiis niya ang masamang amoy ng kanal at tiniis niyang dakutin ang mga basurang nakabara sa kanal. Ginawa niya iyon para sa kanyang pamilya.


Walang masama sa ganitong klase ng trabaho dahil bukod sa marangal ito ay wala naman tinatapakan na ibang tao si Tatay.
Kaya naman, marami sa mga netizen ang nahabag at may kirot na naramdaman ang kanilang puso dahil sa napanood nila na video.


Delikad0 rin ang ganitong klase ng trabaho dahil marumi ang sinisisid niya. Mga basura at hindi kaaya-ayang katas nito ang dumidingit sa balat ni Tatay, maaari din na pumasok ito sa kanyang katawan na maaaring maging sanhi ng karamdaman.

Dahil dito, bumuhos naman ang tumulong kay Tatay galing sa mga netizen. Isa na rito ang facebook account ng Bethyboo Maluya Sure Na, kung saan pinahanap niya si Tatay para magbigay ng tulong. Sa ngayon ay naglilikom siya ng maaaring ibigay kay Tatay.

Marahil ang ilan sa atin ay nagrereklamo sa buhay at sa nangyayari sa ating bansa, isipin na lang natin na may mas lubha pa ang estado sa buhay gaya ni Tatay na nagtatrabaho sa hindi masikmura ninoman na klase ng trabaho.


No comments:

Powered by Blogger.