NAGMAYABANG? Sharon Cuneta ipinakita ang kanyang ipinapatayong mansyon na halos kasing laki ng mall: "Para sa kaalaman ng lahat ang Area po ay 2,300 sqm!"


Ipinagmalaki ni Sharon Cuneta ang kanyang ipinapatayong mansyon sa Silang, Cavite na halos kasing laki ng isang mall.

Sa kanyang Instagram page, ipinakita ni Sharon ang bagong tahanan niya kasama ang kanyang pamilya na itatayo sa limang lote na kanyang binili sa Ayala Westgrove Heights.

Kalahati daw ng property ay sa kanya lamang dahil marami siyang kailangang ilagay dito.

Aabutin daw ng mahigit isang taon bago matapos ang nasabing bahay.


“House Construction Update: Basement parking done. Ground floor being worked on now on the Family House Wing. This is half of our whole house. They are now excavating and starting on the other half of the house, which is MY wing.
Yes I will have my own half of the home for my books, clothes, studio for vlogs, maybe a small recording studio, dressing room, etc. – my “She-Cave.” So inuna muna yung main house naming pamilya. Connecting ang house ko na may basement so 3-stories siya dahil hindi pang parking ang basement ko,” ani Sharon.


“Matapos sana agad – pero mga 1-1/2 years pa siguro – para lahat ng doggies ko makalipat na rin sa house nila sa may pool, may garden na kami at may sariling kuwarto ang iba sa doggies ko sa family home.

“For those asking, the total floor area of our home will be about 2,300 sqm. built across 5 lots (total lot area more or less 3,000 sqm.), scaled down from the original plan of 3,500 sqm. floor area, not including the pool, poolhouse and doghouse of course.”

Matatandaan na kahit daw malakas na lindol ay kakayanin ng ipinapatayong mansyon ni Sharon.

Nagbigay din ng tugon si Sharon sa ilang netizens na tila kinukwestiyon ang pagpapakita niya ng kanyang mansyon sa gitna ng nangyayari ngayon sa bansa.

Paliwanag naman ni Sharon, itinuloy niya ang pagpapatayo ng kanyang mansyon para makapagbigay ng trabaho.

Umabot na ng libo libong views ang mga post ni Sharon tungkol sa kanyang bahay.


No comments:

Powered by Blogger.