NAKU| Selosang Nobya, Pinalagyan ng Maraming Pako ang Likuran ng Upuan ng Motorsiklo ng Nobyo!


Isa sa mga dahilan ng paghihiwalayan ng mag-asawa o magkasintahan ay ang third party o ang pagkakaroon ng kalaguyo habang kasalukuyan na nasa isang relasyon. Ang pag pasok sa relasyon ng iba ay isang maling gawain at hindi tamang kagawian.

Marami ang nasisirang relasyon dahil sa pagpasok ng ibang tao. Kadalasan, hindi ito maiwasan sa mga kalalakihan o kababaihan. Sa lalaki, kadalasan pang ipinagmamalaki ang ganitong bagay dahil tila malakas ang dating nila lalo na kung sila ay may motorsiklo.


Dahil dito, isang babae ang lubhang selosa kaya naman naisip ng kanyang nobyo na magpalagay ng pako sa likuran ng kanyang motorsiklo para hindi na ito mag-isip na baka mayroon siya iangkas na ibang babae.

Subalit, dahil dito ay mas lalong nahirapan ang selosang nobya niya dahil wala siyang maayos at komportableng maupuan dahil mayroon mga pako ang likuran na upuan ng motorsiklo ng kanyang nobyo.


Nag-viral naman ang mga larawan na ito sa social media at umani ito ng katatawanan galing sa mga netizen.
Kinilala ang lalaki na si Khoirul Anam samantala ang kanyang nobya ay si Intan Shinta. Ayon sa mga uulat ay nakatira ang magnobya sa Magelang, Indonesia.

Sa relasyon, hindi lamang basta mahal mo ang 'yong kasintahan, dapat alam mo kung paano siya pagkatiwalaan at tanggapin ng buo. Isa pa rito ay dapat isaalang-alang ng magkarelasyon ang mga bagay na makakaganda upang mag-usbong at umunlad ang isa'-isa.


No comments:

Powered by Blogger.