PROUD KA BA? | Isang 64-Anyos na Ginang, Pursigido sa Kanyang Pag-aaral Bilang Isang Senior High School Student!


Ang edukasyon ay walang pinipiling edad. Walang limitasyon ang pag-aaral dahil lang ng tao ay may karapatan na matuto at makapag-aral.

Ipinagmalaki ni Gesa Ortega ang larawan ng kanyang ina na nagsasagot ng kanyang takdang aralin. Ayon kay Gesa, pursigido ang kanyang ina sa pag-aaral.
64-taong gulang na ang kanyang ina na nag-aaral sa Bayawan Senior High School (night class).

Nakikita ni Gesa sa kanyang ina na masaya ito at nasasabik siya sa tuwing napag-uusapan nila ang mga nangyayari sa eskwelahan. Kinukwento din ng kanyang ina ang mga bago nitong natututunan sa klase at sa kanyang mga kamag-aral.

Lubos ang kasiyahan ni Gesa para sa kanyang ina dahil sa kabila ng kanyang edad ay nagpapatuloy pa din siya sa kanyang pag-aaral.

Nag-silbing inspirasyon naman si Nanay hindi lamang sa mga kabataan kundi sa mga kagaya niyang may edad na. Ang panahon ay mabilis lumipas ngunit ibigsabihin nito ay hihinto ka na at napag-iiwanan ka na. May tamang panahon at oras na nakalaan para ipagpatuloy kung ano man ang nasimulaan noon.

Marami naman sa mga netizen ang namangha sa dedikasyon ni Nanay sa kanyang pag-aaral. May ilan na din ang naiuulat na mga matatandang pinagpatuloy pa din ang kanilang pag-aaral. Sa pag-abot ng pangarap ay walang makapagsasabi kung saan, paano o kailan ito mangyayari, ang mahalaga lamang ay maging masikap sa buhay.


No comments:

Powered by Blogger.