TINGNAN| Mga Anak, Gumawa ng Lobo Gamit ang Platik para sa Kaarawan ng Kanilang Ama


Wala nang mas sasarap sa pakiramdam ng isang ama na may mga anak na nagmamahal sa kanya. Ito na marahil ang pinaka masaya at pinaka magandang pangyayari sa buhay ng isang ama. 

Sa tuwing sasalubong ang mga anak sa kanilang ama na galing sa trabaho ay humuhupa ang pagod na nararamdaman nila.

Isang facebook post ni Melody Silang ang nag-viral sa Social Media na umabot ng 108k reactions at 53k shares. Ayon kay Melody, naantig ang kanyang puso sa kanyang mga kapitbahay dahil kahit na salat sa buhay ay nagawang mag-effort ang mga batang ito para sa kaarawan ng kanilang ama.


Ang plano ng magkakapatid ay sorpresahin ang kanilang ama na galing sa trabaho. Sa kadahilanang wala silang pang bili ng lobo ay gumamit sila ng plastik-labo na nagsilbing mga lobo para sa kaarawan ng kanilang ama.


Kwento pa ni Melody, sinulatan pa ng mga bata ng 'Happy Birthday Papa' ang kanilang ginawang lobo at saka sinabit sa lubid at kawayan.
Gumawa din sila ng cake na gawa sa itlog.

Nakakamangha ang ganitong klase ng mga anak, kahit na sila ay walang pera ay nagawa nilang maggugol; ng oras para lang mapasaya nila ang kanilang ama para sa kaarawan nito.


No comments:

Powered by Blogger.