WATCH| FULL VIDEO ng Kulto na gumagala at nangunguha daw ng ulo ng mga residente sa Mindanao, usap usapan ngayon "Kakatakot Naman"


Punong puno ng pangamba ngayon ang mga residente sa Mindanao dahil diumano sa paggala ng isang kulto na may balak na masama sa mga tao.

Sa ilang post sa social media ay makikita ang mga video ng mga tao habang hinahanap ang diumano’y miyembro ng nasabing kulto.

Gumagala daw ang nasabing grupo mula 9:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw upang katukin ang mga bahay at kapag pinagbuksan sila ay magiging biktima sila ng mga ito.

Isa si netizen Mariel M. Alianza sa mga nag post ng ilang video na kuha sa ilang lugar sa Misamis Occidental kung saan daw namataan ang mga kulto.

Maririnig sa nasabing mga video ang sigawan ng mga tao at mamamataan pa ang ilang miyembro ng otoridad habang tinutulungan ang mga residente na hanapin ang diumano’y miyembro ng kulto.

Sa isa pang video ay makikita ang ilang residente ng Misamis habang iniilawan ang isang bubong kung saan ay nadiskubre nila na may tao na gumagapang dito.

Mayroon ding CCTV footage kung saan makikita ang ilang lalaki na may kakaibang kapangyarihan dahil bigla na lamang daw itong nag iiba ng pwesto.

May ilan ding netizen na ibinahagi habang sila ay kinakatok diumano ng nasabing grupo.

Usap usapan hindi lang sa Facebook kundi pati narin sa Twitter ang nasabing kulto.

Trending ang Misamis Occidental sa Twitter kung saan ay hindi rin naitago ng ilang netizens doon na matakot para sa mga residente doon lalo na ‘yung mga walang kakayahan na ipagtanggol ang kanilang sarili.

Kumalat din doon ang ilang damit na diumano’y gamit ng nasabing grupo, ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng mga otoridad.


Umabot na sa PNP ang nasabing kaso at ngayo’y uumpisahan na nilang imbestigahan ito.

Pinag aaralan din nila ang anggulo na konektado sa NPA ang nasabing kulto.

“We’ll see to it that appropriate action will be taken by the police.” ani PNP Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana.










No comments:

Powered by Blogger.